Pantech PG-2800 - user opinions and reviews

Pantech

Popularity

Daily interest
  N/A
Total hits:
70368

Voting results

Design
7.4
Features
7.0
Performance
7.3
Votes:
66

02:36 PM

Nakita ko na naman si Agato. Niloloko ako nyan eh.

Nakikipagpustahan, eh siguradong panalo sya! Hmpf. P50 ding

chocolate yun noh! Lagi na nga akong late. Hmpf uli. Sabi niya,

joke lang naman daw yung pustahan, gusto niya lang akong

mainis! Baliw talaga. Hmpf. Masuntok nga mamaya bago ako

umuwi. Hahaha.

02:55 PM

Uwi na ko. Natapos din. Bukas uli. WHAAAAA!!! c:

  • Reply
  • 2011-02-10 08:00
  • uSM{
  • U

12:57 PM

Hmpf. Corny nung huli kong kausap. Nakakabwiset! Wala sa

lugar. Bida-bida. Bwisett talaga!!! Sabi niya, common sense

daw gamitin ko para masagot ang tanong ko. Paano ko

gagamitin ang common sense ko eh kung ano ang number niya

yung tinatanong ko?! Susme! Asan ang binibida niyang

common sense dun!?

01:00 PM

2 hours pa, uuwi na ko. Namimiss ko na ang kama. Pero hindi

muna ako matutulog pag-uwi ko. Kakain muna ako ng paborito

kong scramble ng aming kapit-bahay. Yum Yum! I am so

excited. Isa na yun sa palaging kasama sa budget ko sa

araw-araw. Hahaha. Ahm, wala pala akong budget kasi hindi

ako marunong nun. Math yun. At ayoko ng math!!! At bakit

magbubudget, mafufrustrate lang ako everytime na hindi ko

masusunod 'yun. Nakakalungkot lang. Tama??? ANSARAP
KAYANG KUMAIN! Excited na ako. c:

01:46 PM

3 shifts na kami pero hindi pa din ganun kaidle. Hmpf.

Bumabagal na naman ang oras. Kasing bagal mo. Hmpf.

02:04 PM

56 mins to go and I am going home! :D

  • Reply
  • 2011-02-10 07:25
  • uSM{
  • U

February 10 2011

05:55AM

Hindi ako nalate. Hoping talaga ako ngayon na sana hindi ako

malate kasi naman tatlong araw na sunud-sunod na kong

nalalate. Kamusta naman, diba?! Buti na lang talaga hindi ako

nalate. Yehey! :P

08:02 AM

Dumadami na ang librarian sa mundo. Bakit ba andaming gusto

ng katahimikan habang sila ay nabubuhay gayong makukuha

naman nila 'yon ng matagal kung pipiliin nilang mamatay?!

Nakakabagot. Andami ko na naman tuloy naiisip.

08:13 AM

Hay. Nakakainis 'yung nakausap ko. Hindi na nga marinig,

tuloy-tuloy pa rin sya. Pano naman kami magkakaintindihan?!

Bahala nga siya. Tao talaga. Kaya walang world peace eh,

madami kasing salita lang ng salita pero wala talagang plano

na makipagcommunicate. Basta sinabi nila, yun na yun.

08:43 AM

Toxic. Amp! Tuloy ko na lang ito mamayang konti.

08:44 AM

Rain is busy.

09:04 AM

Idle na ba??? Hmm.. Let's see. Ahm, naguluhan ako dun sa huli

kong nakausap. Hindi naman siya magulo magsalita pero ahm,

pano ba?! Paano ko ba sasabihin ito na magulo talaga nang

hindi lumalabas at the end na ako talaga yung magulo?!

Waaaahhh!

10:04 AM

Nagugutom na ako. May Cinnamon Bread ako sa bag, P60.00

daw yun. Binili ng daddy ko kagabi. Hindi ko naman talaga

kakainin yun, hindi naman kasi talaga ako mahilig sa

kakaibang pagkain. Kung paano sya naging kakaiba, ewan ko

lang. Basta, kakaiba siya para sa'kin. Lagi naman akong

binibilhan ng tatay ko ng tinapay para almusal ko daw. May

ulcer kasi ako. Kaso mahilig kasi tatay ko sa tinapay, ako,

hindi. Mas gusto ko ng masayang almusal na may fried rice at

egg. Kaso sa aga ng pasok ko at sa late kong gumising, hindi

na kakayanin kung kakain pa ako nun. Sweet ang tatay ko kaya

dinala ko 'yung bread kasi baka magtampo na naman siya pag

nakita nyang iniwan ko na naman yung binili nyang tinapay.

Baka babaan na naman niya ako ng phone pag tinawagan ko

siya ng umiiyak dahil masakit ang tyan ko. Hehe. So, yun.

Sumusumpong na naman ata ang ulcer ko. Huhuhu.

11:20 AM

Nakapaglunch na ako. Sarap talaga ng toyo!

SUUUUUUPPPPPEEEEEEEERRRRR!!! Ang mga pagkain ay lalong

pinapasarap. Nakakatuwa. Nagkwento sa'kin si ma'am (alam

na yan!) sa mga reklamo niya sa pagibig tapos pagkapunta

kong CR para magtoothbrush, narinig ko si ateng cleaner na

naghuhum ng "a very special love". Ano bang very special sa

love eh ang mas madaming tao na nabbwiset dyan?? Diba,

Sol?! Hahaha. Malapit na akong mag-online uli. Ang bilis

naman ng oras! Argh! Tripper talaga oh?!

11:27 AM

Hays. Mamaya pala, uuwi na naman akong mag-isa. Kay traffic

pa naman sa Shaw. Di ko na kasi kaschedule si Sol eh. Lagi

tuloy low-bat si phone dahil siya ang napagdidiskartehan ko.

11:29 AM

Dec 10 na pala, cut-off. Apat lang overtime ko. Isang 103 mins,

isang 80 mins, isang 60 mins at isang 180 mins. Kulang pa din

para punan kahit man lang yung napakadami kong late na

pagpasok! May dalawa pa akong absent. Hays. Gusto ko ng
pera, pahingi!!!

11:31 AM

4 minutes left. Namimiss ko ng mag-aral, gusto ko ng bumalik

ng college. Sooobrraaang nakakapagod magtrabaho. Namimiss

ko na ang allowance ko. Ang 7000 na fee para gumradweyt na

hindi nanggagaling sa bulsa ko. Namimiss ko ng

magpalinga-linga para makita sya. Namimiss ko na si Buddha

Beads at ang malaki nyang payong habang dumadaan sa field.

Cool din yun eh! Rock and Roll! Haha. Namimiss ko ng magbasa

ng libro sa accounting, hindi, joke lang. Kung makakabalik ako,

pwede bang skip na tayo dun?! Hehehe. Dun na lang ako sa

shed, makikipagkwentuhan sa mga classmates ko.

ooooppppsss! times up! online na. mamaya na ulit.

  • Reply
  • 2011-02-10 05:47
  • uSM{
  • U

it's good pone but it don't have a flash and tere no ir rays

  • Reply
  • 2007-05-10 18:35
  • n94D
  • U

You put down this phone base on the 1.3m, go get the lg with 5mp then. It is the quality that count, not mp.
Yet many people are praising the retard V3 with a medicore camera.
I like pantech design, sleek with some interesting unique feature.
One question, what is finger writing? sound interesting

  • Reply
  • 2007-02-23 06:06
  • 0fwM
  • U

actually how many times you make pictures with phone? and not how much Mpix counts but quality. I use @ this time Pantech Gi100 and my opinion is positive. in my work which is mobile phones repair etc i havw seen Plenty of phones which specifications is tip top but quality is poor (i dont speak about small companies :) )

  • Reply
  • 2006-05-26 23:51
  • ni3p
  • U

U call this good? What a load of balls!! 1.3 megapixel camera, what a low life!!!

  • Reply
  • 2006-05-17 17:59
  • TkyE
  • U

good

  • Reply
  • 2006-05-14 22:52
  • iKtb
  • U
Total of 8 user reviews and opinions for Pantech PG-2800.